Wednesday, December 9, 2009

Mar Roxas Sadsad sa SWS Survey

Bumagsak ng siyam na puntos si Senator Mar Roxas sa November 4-8 vice presidential survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan nakakuha lang siya ng 31% mula sa 40% na rating sa katulad na survey ng polling firm na isinagawa naman noong September 18-21.

Kung sumadsad si Roxas ay umarangkada namn si Senator Loren Legarda mula 23% puntos noong September tungo sa 26% sa pinakahuling SWS survey noong September.

Ang 31% ni Roxas at 26 % ni Legarda ay maituturing na dikit na dikit at maaaring ikunsedera na statistical tie dahil ang margin of error ng SWS survey ay plus three at minus three.

Sumunod naman kina Roxas at Legarda sa survey na nilahukan ng 1,200 respondents sa buong bansa sina outgoing Vice President Noli De Castro (16%), Senator Francis Escudero (14%) at Makati Mayor Jejomar Binay (9%).

Sa isa pang survey na kinumisyon naman ng Manila Standard at isinagawa ng Pulse Asia noong November 2-9, bumagsak rin si Roxas ng walong puntos naman, tungo sa rating na 29% mula sa kanyang 37% rating sa October 22-30 Pulse Asia Survey.

Umangat rin si Legarda sa naturang survey ng Standard mula sa 23 porsyento niyang rating tungo sa 25%.

Sa SWS survey ng presidential race ay nanguna pa rin si Senator Noynoy Aquino (47%) at sinundan nina Senator Manny Villar (20%), Senator Francis Escudero at dating Pangulong Joseph Estrada (na may 12% bawat isa).

No comments:

Post a Comment